Paano ako makakakuha ng access key?
Ang Outline ay hindi tulad ng mga serbisyo ng VPN kung saan binibili mo ang access; isa itong tool na nagbibigay-daan sa iyo na magpagana at magbahagi ng access sa isang pribadong VPN server. Manager ng serbisyo lang ang puwedeng makapagbigay sa iyo ng access key. Hindi namamahagi ang Outline team ng mga libre o may bayad na access key. Wala kaming anumang opisyal na partner sa access key sa Outline, maliban sa Paskoocheh sa Farsi.
Narito ang tatlong opsyon para makakuha ng access key:
- Hilingin sa isang tao na imbitahan ka sa kanyang server: Kung may kakilala kang may Outline server, makipag-ugnayan sa kanya at hingian siya ng access key.
- Gumawa ng sarili mong server: Gamit ang Windows, Mac, o Linux computer, i-download ang Outline Manager at mag-set up ng sarili mong pribadong Outline server. Pinadali namin ang prosesong ito para sa sinuman, lalo na sa pamamagitan ng cloud service provider na DigitalOcean.
- Gumamit ng serbisyo ng Outline o Shadowsocks: Puwede ring gamitin ang Outline client sa mga serbisyo ng third-party na gumagamit ng Outline o ng Shadowsocks protocol. Halimbawa:
- Nagpapagana ang nthLink ng libreng serbisyong nakabatay sa Outline, na may binagong bersyon ng Outline client.
- Nagpapagana ang ASL19 ng binagong bersyon ng Outline na tinatawag na BeePass pati na isang Telegram bot na nagbibigay ng mga libreng access key sa mga BeePass server.
- Ang mga user na gumagamit ng wikang Farsi ay puwede ring mag-request ng access key sa Outline sa Paskoocheh ng ASL19.
Pagkatapos i-download ang Outline Client app, kopyahin at i-paste ang iyong access key sa Outline Client para kumonekta sa Outline server.