Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Paano magpadala ng mga feedback o suhestyon

Salamat sa pagtulong sa pagpapahusay sa Outline! May ilang paraan para magpadala sa amin ng feedback, sa anonymous na paraan man o sa pamamagitan ng iyong email kung kailangan mo ng sagot:

  • Para sa mga developer: Ang Outline ay open source na software at hino-host namin ang lahat ng aming code sa GitHub. Puwede mong ibahagi ang iyong mga ideya sa GitHub o sa aming komunidad sa Reddit.
  • Para sa mga user: Puwede kang magpadala sa amin ng feedback sa pamamagitan ng Outline o Outline Manager app. Sabihin sa amin kung tungkol saan ang iyong feedback at puwede kang magpadala ng email para makatugon kami sa iyo tungkol dito. Para matulungan ka namin sa pag-troubleshoot, nangongolekta rin kami ng ilang metadata tungkol sa environment mo, tulad ng iyong browser, operating system, at kung aling bersyon ng software ang ginagamit mo.
  • Sa pamamagitan ng site na ito: Puwede kang mag-click sa link na makipag-ugnayan sa amin kahit saan mo ito makita sa site na ito.
  • Malulubhang isyu: Kung gusto mong mag-ulat ng malubhang isyu sa seguridad, lubos kaming magpapasalamat kung ii-email mo sa amin ang mga detalye sa security [at] getoutline.org.

Salamat ulit sa paglalaan ng oras sa pagbabahagi sa amin ng iyong mga saloobin.