Puwede ko bang gamitin o i-replicate ang brand ng Outline?
Bagama't open source at libreng magagamit ang Outline, pinagmamay-arian ng Jigsaw ang aming brand at hindi ito dapat gamitin sa maling paraan. Sundin ang gabay para sa user para masiguradong maiiwasan mo ang mga posibleng nakakapanlinlang na claim o maling paglalarawan sa iyong kaugnayan sa Outline o sa Jigsaw, at masiguradong ginagamit mo sa tamang paraan ang mga inaprubahang tatak.