Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Paano ko ide-delete ang Outline server ko?

Para sa karamihan ng cloud provider, medyo madaling alisin ang partikular na virtual machine na ginagamit mo.

Kung DigitalOcean ang ginagamit mo bilang iyong cloud provider, puwede mong i-delete ang kasalukuyan mong virtual machine sa pamamagitan ng pag-click sa button na gear at pagpili sa I-destroy ang Server. Pagkatapos na pagkatapos nito, ipo-prompt kang gumawa ng bagong virtual machine sa lokasyong pipiliin mo.

Kung mag-aalis ka ng Outline server, permanente itong made-delete at hindi na gagana ang mga access key nito. Kung ayaw mong maputol ang access ng mga tao sa pamamagitan ng Outline, kailangan mong mag-set up ng bagong Outline server at ibahagi ang access dito bago i-delete ang luma mong server.